Instik man, Koreano, Hapon, Vietnamese ang tuturuan mo, sa tingin ko pare pareho lang naman ang mga preparation at over all routine ng mga online ESL teachers. Nakaka 4 na company na ako ha pero halos walang hirap sa transition kasi sa tools lang at module nagkakaiba.
Freetalk
Dito talaga ako nahasa sa unang company ko sa TopTalk. So sa company na yun, pag sinabing free talk, bibigyan ka ng isang idiom per student, isa lang ha? Ito na ang bala mo for the rest of the 30 minutes na makikipagbalitaktakan ka sa kanila.
Example:
"The World is your Oyster".
Ayon kay the free dictionary.com it means:
you have the ability and the freedom to do anything or go anywhere.
When used in a sentence:
The world is your oyster when you're young and healthy and free to go anywhere.
So before, and kahit naman ngayon, ang technique ko para ma consume ko ang buong 30 minutes with minimal material ay ang mga sumusunod:
A. Introduction - 5-10 minutes:
Ano ang mga pwedeng itanong sa intro:
✌✌✌
Freetalk
Dito talaga ako nahasa sa unang company ko sa TopTalk. So sa company na yun, pag sinabing free talk, bibigyan ka ng isang idiom per student, isa lang ha? Ito na ang bala mo for the rest of the 30 minutes na makikipagbalitaktakan ka sa kanila.
Example:
"The World is your Oyster".
Ayon kay the free dictionary.com it means:
you have the ability and the freedom to do anything or go anywhere.
When used in a sentence:
The world is your oyster when you're young and healthy and free to go anywhere.
So before, and kahit naman ngayon, ang technique ko para ma consume ko ang buong 30 minutes with minimal material ay ang mga sumusunod:
A. Introduction - 5-10 minutes:
Ano ang mga pwedeng itanong sa intro:
- What is your English name?😊 (Kasi kung iaattempt mo na i-pronounce ang totoong names nila baka either ma mispronounce mo pa at mainis sila or mag consume ka ng another 15-20 minutes bago ka magtagumpay. So mas convenient na may English name. Sa mga Koreans, naexperience ko napaka common ng Lee, Jacky, Bill, Bob ito yung mga paborito nilang gawing alias. Sa mga Chinese mas interesting: Luna, Moon, Wind, Able, basta kakaiba. You can use it to your advantage kasi karamihan sa kanila hindi alam kung anong ibig sabihin nung name na pinili nila. Like yung si Luna, I told her na Luna is another name for Moon. So sa name pa lang, pede nang gawing topic of conversation.
- Also one of my favorites lalo na sa mga Chinese na generally ayaw pa-kabog ang aking "Wow you look tired! How's your day?" Mas mapapahaba ang kwentuhan nito in the attempts to show you na walang problema sa work nila kahit na overworked sila haha!💪Anyway mejo routinary na din yung 'How are you?' 'Fine, and you?' 'I'm Fine too!' 👻👻👻
-insert awkward moments of silence here- 👹 So if ayaw mo naman gamitin yung "you look tired" pede din naman "Hey! you look happy today! What's new with you?" or "There is something different with you today I can't quite put my finger on" - pa mysterious na, pede mo pa i-segue sa idiom na: I can't quite put my finger on. oh ha. 😀✌ - Last technique ko para mapatagal ang introduction is to introduce the lesson number, the title of the lesson and to explain the goal of the lesson at the end of this session. Staple spiel ko dyan yung "Today we will learn lesson ___, it is all about______ <1>
So i need 2 things from you at the end of class 1.... 1>2... . dalian mo lang goals mo like: make your own sentence using "the world is your oyster." or explain the meaning of this idiom. So always dapat: Specific, Measurable, Attainable , Realistic and Time-bound. ☝
B. Body/Content - 10-15 minutes
Sa mga Koreans gusto nila na conversational lang talaga ang pagtuturo. Ayaw nila yung bookish. Dapat hindi nila na fefeel na teacher ka, so parang ka-sparring ka lang ng english. So as much as possible, don't be shy to get to know them. Ask about their day, their weekend, even their boyfriends and girlfriends (benta to sa mga college students promise!) Pero syempre pakiramdaman mo muna din kung anong klaseng tao sya bago bumira. Sa mga Chinese naman, masyado silang stiff plus, ung module namin is super detailed, hindi mo na kelangan masyado magisip ng questions kasi andun na yung mga tanong for you, walang puwang o panahon ang pakikipag personalan, they mean business talaga. Pero syempre, dapat lang makiramdam ka pa rin at baka na bobore na ang kausap mo at nagmukang fasttalk na ni Kuya Boy ang session nyo. Make follow up and related questions, clarify, paraphrase para ma feel nila na talagang nakikinig kayo, in addition ang favorite ko na ginagawa is yung kunwari nag susulat ako habang nag sasalita yung students ko titingin ako sa kanila tapos susulat ako ulit na para bang oral revalida sa school (ang effect nun sa kanila is naiintimidate sila kaya they do their best para humaba ang sentences nila voila! less effort for me)
C. End of lesson- 5-10 minutes
This is the wrap up, alam na alam yan ng mga naka pag call center na, so yung huling 5 minutes mo uubusin mo yun sa pagrecap ng mga tinuro mo sa kanya. At para naman maiwanan siya ng impression na magaling ka, ask your student a very easy question yung tipong giveaway. Like, 'could you make your own sentence using our idiom of the day: "the world is my oyster?' malamang ang gagawin nyan babaguhin lang ang mga words sa example na binigay mo sa start ng class kaya very important din na bigyan sila ng sample sentence "pain" mo yun sa kanila later. Kung magawa nilang masagot ang tanong mo you should react positively din naman. Positive reinforcements yung mga smiles, mga pagpalakpak ako favorite kong gawin is pumalakpak eh para ipakita ko na tuwang tuwa ako. After nun, mag babay ka na, so end the lesson na nasa "high" si student kasi syempre it feels good na palakpakan and yung feeling na may napala ka sa lesson mo ngaung araw.
Business English, American Slang and the likes are just variations of free talk. So ang importante lang yung goal mo malinaw sa kanila para naman ma feel nila na, ah iba naman ito, iba nanaman ang approach nya hindi na sya kuda ng kuda ngaun tanong na lang sya ng tanong. Isa pa palang ginagawa ko para mapatagal ang time is never ako nag bibigay ng meaning ng word agad agad. I always ask them to guess. Like: "Applicable, what do you think the word means? Applicable" Eh ayaw nga pakabog so gagawan ng paraan nyan na makasagot yung pag google translate pa lang nila kakain na yun ng 1-2 minuto tapos hihiritan mo bigla ng: "Wow! goodjob! I'm impressed. Please use it in a sentence..." Pak! another 1-2 minutes nanaman yun so yun. Anyway, explorative approach din naman yun sa learning so mas maaalala nila ang meaning ng isang bagay na sila mismo ang nag research.
Teaching Children
ah ito ang madugo. dahil dyan gagawa ako ng hiwalay na blog para dito 👯😘. Sleep muna ako, salamat sa pagbabasa! Bye!
✌✌✌
Nice 💕💕
ReplyDelete