Skip to main content

Maria's Edge Resort Review

Hindi nanaman ako makatulog! :) But it's a good thing dahil sa puyat minsan nangagaling ang motivation ko at oras ko to write (less sleep, more blogs ha?). Naubos na ng mga instik na tinuturuan ko kanina ang baon kong English kaya eto mag tatagalog na lang ako. 👌

Last May 27, 2017 na tuloy na din sa wakas ang aming family outing sa Maria's Edge Resort sa Los Baños Laguna. Sa pagkakaalam ko ung pinsan ko pa na nasa Saudi ang naka "discover" ng resort na ito at nung nakita namin ang pictures nya sa fb (https://www.facebook.com/Marias-Edge-Resort-120277261424681/)  kahit mas mura pa yung unang private resort na kinausap namin, ito na yung binook namin. 

Location:

Maria's Edge Resort is located in Jamaica Hills Los Banos Laguna. Malapit sa UPLB at along the highway lang kaya kung gusto mo pumunta sobrang accessible kahit wala kang private vehicle. 

From Alabang sakay ka lang ng pa UP college na bus like St. Rose. Then, malalaman mo pag malapit ka na pag nakalampas ka na sa Splash Mountain. After Splash Mountain, mag abang ka lang sa right side, makikita mo ang entrace ng Jamaica Hills eto sya: 
pahiram ng photo olx :) hehe
From the entrance lakarin mo na lang papasok hindi ka mawawala kasi ung resort is located sa dulo ng kalsada. 

Rooms/Facilities/Amenities:

27 kami na pumunta sa place and we rented 3 rooms: 1 barkada room (16 people capacity) 2 rooms with queen sized beds (na sabi ng resort is for 2 people lang pero kasya naman ang 4 na tao nag magsshare sa Queen sized bed). So, for 22 hours we paid Php 25,000 hindi lang rooms yun, kasama na dun ang gamit ng karaoke at billiards. Php10,000 ang initial deposit then ung remaining balance is binayaran na lang namin sa araw ng swimming.

Barkada Room 

Di ko akalain na ang laki pala ng higaan nya. Sa isang double deck 4 na tao ang mag kakasya., bale, 2 sa baba then 2 sa taas. Sounds crowded pero hindi, kahit may katabi ka, ang daming space hindi kayo magkakapalitan ng muka. May CR pa sa loob and emergency exit just incase anything happens. :) Php16,000 ang rent sa room na ito for 22 hours.
Photo from Maria's Edge's FB page. 
Room with a Queen Sized bed
This room could comfortably fit a family of 5 pero need lang ng 1 extra bed that costs Php 250. Kung ito lang ang irerent, Php 5,000 sya but since na rent na namin ang Barkada room we got 2 of this room for Php 5,000 lang nakasave kami ng kalahati. 👍👍May sarili na itong CR sa loob and may TV pa unlike sa Barkada room pero ok lang din naman kung walang TV sa Barkada room, wala din naman nag TV than night. hehe.
Photo from Maria's Edge's FB page. 
Again, kasama na nga sa 25,000 na binayaran namin ung Karaoke and Billiards. Yung lang ang nakakalungkot kasi yung karaoke nila until 10pm lang 👎 so nag swimming na lang kami 👍

Kinaumagahan, dun na lang kami nakapag karaoke :) Then swimming ulet!

Masaya ako sa facilities kasi: 

1. Kahit 27 kami, hindi kami nahirapan mag share ng restroom kasi bukod sa per room may restroom na, sa labas ng Barkada room may restroom pa ulit. So never ko naranasan mag antay for my turn. 

2. Sa labas yung kusina, so if ever mag iihaw or mag piprito ka, hindi mainit at hindi kulob at lalong lalo na hindi ka isolated sa mga nagkakasiyahang mga pinsan mo na either nag sswimming or nag bibilyar pero ikaw nag luluto hahahaha! 😂😂😂 Yung "dirty kitchen" kasi nila nasa labas, gitna ng pool at ng billiard hall. 

3. Sa gilid lang din ng resort nakatira at natutulog ang mga "kuya" kaya kung ano man ang concern nyo andyan lang sila at ang mga cute na cute nilang mga chikitings. 👱👦👲

The View:
Ito talaga ang nagpadecide sa amin na magpalit ng resort at ibook ang Maria's Edge Resort. Kahit gabi man o kahit umaga, ang ganda ng view. Unang kita ko pa lang naisip ko na agad na ito ang magiging cover photo ko sa FB! hahaha. 😀😁 Pero it is more than aesthetics eh. More than yung pang IG or pang FB lang..maganda talaga ang lugar. 
Sa gabi ang sarap mag dinner sa labas kasi may parang outdoor mess hall sila na kasyang kasya kaming lahat at naka ready na ang mga chairs and tables. 💗💜💙
Then sa umaga naman masarap mag kape kasi malamig pa din hehe unlike sa Manila pagdating ng 7-8am minsan maiinit na...malapit kasi sa lake kaya ung morning breeze kakaiba talaga...7am na, ang lamig pa din parang 4am or 5am lang. 
Ang saya ng experience namin sa Maria's Edge Resort. 

Dagdag ko na din pala sa kwento ko na nakalimutan namin ung 3 kilo ng na marinate naming Bangus, pero sobrang maluwang sa loob namin na iiwan kina kuya yun kasi sobrang approachable nila at attentive sa mga kailangan at mga requests namin. (or ako lang ba yun kasi ung isang kuya nung nag motor pababa ng bayan nautusan pa naming gumawa ng ilang errands? hahaha thanks ulit po!)

Anyway, bukod sa maganda na ang view, malapit pa, resonable naman ang price at mabilis pa mag respond sa mga queries at mga pangungulit ko sa FB messenger kaya para sa akin 4 hearts rating talaga ang Maria's Edge Resort. 👍

💗💗💗💗








Comments

Popular posts from this blog

ACADSOC online job

I have been with ACADSOC as a part time home based teacher for exactly a month and a half today and here are my thoughts about it:


How do I feel about working here?
The best thing about working in Acadsoc is the flexibility. Every week I plot my desired schedule. On Mondays, for example, I advise my TM (Team Manager) that I want to take Mondays-Fridays 7pm-11pm and take Saturdays and Sundays off.  And if I want to earn extra cash, I take Weekend classes too. 
The next best thing that I like about Acadsoc is that it makes a great part time job. you can do it at home with minimal tool investments: you just need a laptop and a decent headset. I use Plantronics with a noise cancelling feature.  
Lastly, It is fairly easy, teaching especially free talk feels like you are being paid to listen. Just be prepared with your list of open ended questions, sitback, relax and watch out for any grammar or pronunciation errors. Recap and give a few tips.
How long do you teach each student?
I teach every st…

Paano Ba Magturo ng English Online (ESL Online Teaching)

Instik man, Koreano, Hapon, Vietnamese ang tuturuan mo, sa tingin ko pare pareho lang naman ang mga preparation at over all routine ng mga online ESL teachers. Nakaka 4 na company na ako ha pero halos walang hirap sa transition kasi sa tools lang at module nagkakaiba.
Freetalk

Dito talaga ako nahasa sa unang company ko sa TopTalk. So sa company na yun, pag sinabing free talk, bibigyan ka ng isang idiom per student, isa lang ha? Ito na ang bala mo for the rest of the 30 minutes na makikipagbalitaktakan ka sa kanila.

Example:
"The World is your Oyster". 

Ayon kay the free dictionary.com it means:
you have the ability and the freedom to do anything or go anywhere. 

When used in a sentence: 
Theworldisyouroysterwhenyou'reyoungand healthyandfreetogoanywhere.

So before, and kahit naman ngayon, ang technique ko para ma consume ko ang buong 30 minutes with minimal material ay ang mga sumusunod:

A. Introduction - 5-10 minutes:
Ano ang mga pwedeng itanong sa intro: 
What is your English name?…